Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na biro o ‘joke’ lamang ang banta niya noon na buwagin ang Commission on Human Rights (CHR).
Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sinabi ni Duterte na biro lang ang sinabi niyang ia-abolish niya ang CHR, dahil kailangan pa rin ang Kongreso para magawa ito.
Pagkatapos kasi ng kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng pangulo na makabubuting i-abolish na ang CHR, na madalas bumabanat sa kaniyang war on drugs.
Samantala, nilinaw rin ni Duterte na biro lang din ang sinabi niya noon na dapat ay magpaalam muna sa kaniya ang Office of the Ombudsman bago imbestigahan ang kaniyang mga opisyal lalo na ang mga pulis at militar.
MOST READ
LATEST STORIES