Mga rebeldeng NPA, panay ang pagsulpot sa Negros Occidental

 

Dumarami ang mga naiuulat na presensya ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Negros Occidental.

Ayon kay acting provincial police director Senior Supt. Rodolfo Castil, ang pinakahuling naitala ay sa mga liblib na lugar ng dalawang bayan at isang lungsod noong Lunes lamang.

Aniya mistula itong diskarte ng mga rebelde para dagitin at tambangan ang mga pwersa ng gobyerno tulad ng ginawa nila sa Guihulngan, Negros Oriental kung saan anim na puli ang nasawi.

Nasa 15 armadong rebelde aniya ang namataan sa bayan ng Candoni habang papunta sa bayan ng Hinoba-an.

Tinatayang 15 rin na rebelde ang namataan naman sa La Carlota City sa parehong araw lang.

Kinukumpirma pa naman ng Philippine National Police (PNP) ang mga nasabing ulat, pero nag-iingat na rin sila na upang hindi muling mabitag ng mga NPA.

Naka-full alert naman ani Castil ang PNP laban sa anumang opensiba na ilulunsad ng mga rebelde.

Read more...