8 sa 10 manok sa NCR, kontaminado ng isang uri ng bacteria ayon sa DOH

 

Nagbabala ang Department of Health sa publiko na magdoble-ingat sa paghahain ng mga putaheng manok .

Ito ay dahil sa isinagawang pag-aaral ng University of the Philippine-Institute of Biology kung saan lumalabas na 8 sa 10 manok o 80 porsyento ng manok na mabibili sa Metro Manila ay positibo sa ‘campy-lobacter’ bacteria.

Ang ‘campy-lobacter’ bacteria ay isang spiral-shaped bacteria na aktibo lalo na kung tag-init.

Maari itong magdulot ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at diarrhea sa taong makakakonsumo nito.

Bagamat hindi lubhang mapanganib at hindi nakamamatay, ipinapaalala ng mga eksperto na linisin at lutuin ng maayos ang karne ng manok upang mamatay ang mga bacteria

Hindi pa matukoy ng mga eksperto kung saan nanggagaling ang nasabing bacteria.

 

Read more...