Batas sa libreng public wifi, aprubado na ni Duterte

 

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Free Internet Access in Public Places Act.

Sa ilalim ng batas, nakasaad na papayagan ang paglalagay ng libreng internet access sa mga sumusunod na lugar:

– mga opisina ng national at local government
– public basic education institutions
– state universities and colleges
– technology institutions
– mga pampublikong ospital, health centers at rural health units
– mga pampublikong parke o pasyalan, plazas, libraries at mga reading centers sa barangay
– mga pampublikong paliparan at pantalan
– public transport terminals

Gayunman, ipinagbabawal naman sa batas ang pagbubukas ng mga pornographic websites.

Ang minimum internet speed para sa kada user ay 2 megabits per second, o kung anuman ang maimumungkahi ng National Broadband Plan.

Pangungunahan ng Department of Infortmation and Communications Technology (DICT) ang implementasyon ng bagong batas.

Read more...