Batas na magpapahaba sa bisa ng drivers’ license, pirmado na

 

Naisabatas na ang panukalang pagpapalawig ng bisa ng mga drivers’ license sa limang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon lamang.

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 4136 na nag-aamyenda sa Land Transportation and Traffic Code na nagpapahaba sa validity period ng mga lisensya.

Nakasaad sa bagong batas na limang taon na ang bisa ng lisensya maliban na lang kung ito ay bawiin o kaya ay suspindehin.

Hindi naman kasama sa na-extend ang student permits.

Para sa mga professional at non-professional drivers na walang lalabagin na batas trapiko sa loob ng limang taon, maaari nilang ipa-renew ang kanilang lisensya ng hanggang sampung taon sa ilalim ng restrictions ng Land Transportation Office (LTO).

Samantala, mas mahigpit na rin ang batas na ito dahil masisibak sa serbisyo ang sinumang opisyal na magbibigay ng drivers’ license sa hindi kwalipikadong aplikante.

Read more...