Bilang patunay aniya, isang sako na puno ng tig-isandaang piso ang inalok sa kanya ng mga Parojinog noong Disyembre matapos siyang maupo sa puwesto bilang hepe ng pulisya ng Ozamiz.
Sa panayam ng Inquirer, isiniwalat pa ni Espenido na sa Ozamiz City lamang siya nakaranas ng pagtatangka na masuhulan.
Dahil aniya sa naturang karanasan, ito marahil ang dahilan kung bakit ilan sa mga nakaraang hepe ng pulisya ng lungsod ay naging mahina ang performance bilang pinuno ng pulisya.
Noong ikatlong araw pa lamang niya aniya sa puwesto ay agad na nitong personal na hiniling sa mga Parojinog na itigil na ang mga ilegal nitong mga negosyo upang maging maayos ang buhay sa lungsod.
Gayunman, itinanggi ng mga ito na sangkot sila sa anumang iligal na Gawain, dagdag pa ni Espenido.