Typhoon Noru, palalakasin ang epekto ng habagat, Luzon at Visayas, makakaranas ng pag-ulan

 

Mula sa pagasa

Patuloy na maaapektuhan ng monsoon rains ang bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa PAG-ASA, pinalalakas ni Typhoon Noru ang hanging habagat na nararamdaman sa bansa.

Huling namataan sa layong 1,575 kilometro silangan, hilagang silangan ng extreme Northern Luzon si Typhoon Noru na may maximum sustained winds na 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugso na aabot sa 205 kilometro kada oras. Kumikilos ang ansabing bagyo patungong hilagang kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Walang direktang epekto si Typhoon Noru sa bansa, ngunit magdadala ito ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Southern Luzon, at Visayas hanggang Biyernes.

Read more...