“Sige pumasok ka sa droga PNoy kundi ko pinutol ang ulo mo”!
Yan ang naging hamon ng pangulo kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging pahayag nito na wala namang nangyayari sa anti-drug campaign ng pamahalaan.
Sa kanyang pagsasalita sa anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sinabi ng pangulo na si Aquino ang walang ginawa para sugpuin ang problema ng droga sa bansa.
Muling binanggit ni Duterte na hinayaan ni Aquino at dating Interior Sec. Mar Roxas na mamayagpag ang mga sindikato ng droga na umano’y protektado ni dating PNP Gen. Marcelo Garbo.
Si Garbo ay isa sa mga dating police officials na sinasabing malapit kay Roxas.
Inulit rin ng pangulo na hindi nita inuutusan na pumatay ng mga drug personalities ang PNP kundi durugin ang mga sindikato ng droga.
Pasensya na lang ayon kay Duterte kung may masagasaan sa kanilang mga kampanya pero magpapatuloy ang kanyang ipinangako na susugpuin ang problema ng kriminalidad sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, sinabi rin niyang puro ngawa lamang lamang ang pinalitan niya sa pwesto na si Aquino at yun lang umano ang kanyang kayang gawin.