Batas na magpapalawig sa passport validity pirmado na ni Duterte

Inquirer file photo

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10928 o ang batas na magpapalawig sa validity ng Philippine passport.

Sa ilalim ng batas ay palalawigin na ang validity ng passport mula sa limang taon hanggang sa sampung taon.

Aamyendahan din ng batas ang Section 10 ng Republic Act 8239 o ang Passport Act of 1996.

Nakasaad sa ilalim ng section 10 na ang isang indibiduwal na may edad 18 years old pababa ay maaaring magkaroon ng passport na may limang taong validity period.

Magsisimula ang batas makalipas ang labinglimang araw simula ng publication nito sa Official Gazette o sa mga dyaryo.

Read more...