DOF: Faeldon hindi pa lusot sa pagpasok sa bansa ng droga mula sa China

Inquirer file photo

Hindi dapat maging kampante sa tiwala ng pangulo si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa isang panayam, sinabi ni Finance Sec. Sonny Dominguez na kahit siya ay hindi nakatitiyak kung hanggang saan siya magtatagal sa kanyang pwesto sa pamahalaan.

Kahapon ay ipinatawag ng pangulo si Faeldon sa Malacañang para tanungin kaugnay sa pagkakapasok sa bansa ng P6.4 Billion na halaga ng shabu.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na may tiwala pa rin ang pangulo sa kanyang itinalagang pinuno ng Bureau of Customs.

Si Faeldon kasama ang ilang mga opisyal ng BOC ay humarap sa magkakasunod na imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay sa pagpasok sa bansa ng mahigit sa 600 kilo ng shabu na sinasabing nagmula pa sa China.

Read more...