Binuweltahan ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pagsasabing walang nagawa ang pamahalaan sa laban kontra droga.
Sinabi ni Panelo na noong panahon ni Aquino mas naging malala ang problema ng droga sa Pilipinas.
Dapat umanong mahiya sa kanyang sarili si Aquino dahil sa naging inutil ang pamahalaan nito sa pagpigil ng iligal na droga sa bansa.
Kasabay nito ay ipinag-malaki ng opisyal na hindi matatawaran ang kampanya ng pamahalaan para lamang tapusin ang illegal drug trade.
Kahapon ay sinabi ni Aquino na wala siyang nakikitang tagumpay sa war on drugs ng pamahalaan.
Noong natapos umano ang kanyang termino ay umaabot sa 1.8 Million ang bilang ng mga drug users sa bansa at ito umano ay nananatili pa rin sa kasalukuyan.