Aniya, ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impormasyon sa pagpupulong nila sa Malacañang kasama ang ilan pang mambabatas.
Gayunman, hindi na tinukoy ni Sotto ang mga lugar na kasama sa panibagong terror plot na nadiskubre.
Aniya, hihintayin na lamang niya na manggaling mismo kay Duterte ang pahayag ukol dito.
Ani Sotto, sa ngayon ay hindi pa naman nagpapatulong ang pangulo sa Senado at Kamara sa suliranin sa terorismo.
Samantala, nais ni Duterte ng 20,000 karagdagang tauhan para sa Armed Forces of the Philippines, ayon kay Sotto.
MOST READ
LATEST STORIES