1 patay sa pag-araro ng SUV sa traffic outpost sa Pasig City

Patay ang isang lalaki matapos na araruhin ng isang SUV ang traffic outpost sa Marcos Highway sa Dela Paz, Pasig City

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naghihintay lamang ang pasahero ng masasakyan nang ito ay araruhin ng kulay puting ford ranger na may plakang AAG 6662.

Papunta sa bahagi ng Antipolo ang SUV nang bigla na lamang nag-cut ang isang jeep.

Tumama sa gutter sa harapan ng Robinson’s galleria ang sasakyan bago tumama sa traffic outpost at tuluyang tumama sa biktima.

Nakilala ang nasawi na si Marcelo Julian, nasa hustong taong gulang at nakatira sa 15 Kareta, Sto. Nino, Marikina City.

Habang nakilala naman ang driver ng SUV na si Al-Arjay Tua.

Sasampahan ng kasong homicide at damage to property ang nasabing driver.

Read more...