Ilang flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

Kinansela na ang ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa masamang panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela na ang flights ng Cebu Pacific na 5J 647 at 5J 648 Manila – Puerto Princesa – Manila.

Kanselado na rin ang flights 5J 325 at 5J 326 Manila – Legazpi – Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking o ‘di kaya ay refund ng kanilang pamasahe.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng Habagat ang buong bansa.

Ayon sa weather bureau, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at thunderstorms ang Metro Manila at mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Eastern at Central Visayas, Caraga at Zamboanga.

Read more...