Pag testigo ni Herbert Colanggo vs De Lima, dahil sa pangungumbinsi ni Vice Mayor Parojinog – Topacio

Ibinunyag ni Atty. Ferdinand Topacio na ang kanyang kliyente na si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog ang naka-kumbinsi sa hinihinalang drug lord na si Herbert Colanggo na tumestigo laban kay Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Topacio, nag dalawang isip pa si Colanggo na magsalita laban kay De Lima dahil natatakot ito.

Pero nakumbinsiya siya aniya ni Vice Mayor Parojinog na sabihin na ang totoo ukol kay De Lima para malamang ng bagong administrasyon kung ano talaga ang senadora.

Si Colanggo kasama ang iba pang high-profile inmates sa New Bilibid Prison ay tumestigo ukol sa umano’y pagkakasangkot ni De Lima sa illegal drug trade sa loob ng pasilidad.

Kasalukuyang nakadetine si De Lima sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa drug charges.

Si Vice Mayor Parojinog naman ay inaresto ng pulisya kasunod ng madugong drug raid sa Ozamiz City na ikinasawi ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at labing apat na iba pa.

Mismong ang namayapang alkalde ang nagbunyag ukol sa relasyon ni Vice Mayor Parojinog kay Colanggo.

Sinabi din ni Topacio na hanggang ngayon ay magkarelasyon pa rin ang bise alkalde at hinihinalang drug lord.

Read more...