Talent manager na si Alfie Lorenzo, pumanaw na

BANDERA PHOTO

Pumanaw na ang talent manager at columnist na si Alfie Lorenzo dahil sa heart attack bandang 2:14 ng madaling araw.

Mismong ang pamangkin ni Alfie na si Ramon Lorenzo ang nag-anunsiyo ng pagpanaw ng batikang talent manager sa edad na 78.

Sinabi din ni Ramon na ibuburol ang kanyang tito sa Arlington sa Quezon City.

Una nang inanunsiyo ni Lolit Solis sa isang panayam ang malungkot na balita.

Kilala si Alfie sa pag-mamanage ng mga sikat na artista tulad ni Judy Ann Santos.

Nabatid na si Juday ang mag-aayos ng funeral service ng kanyang talent manager.

Read more...