WATCH: Peter Lim, nasampahan na ng reklamo sa DOJ

Ipinagharap na ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang tinaguriang big time drug lord sa Visayas na si Peter Go Lim alyas Jaguar.

Si Lim ay una nang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa kanyang drug matrix.

Nabatid na ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang naghain ng reklamo laban kay Lim noon pang July 5, 2017.

Maliban kay Lim ay sinampahan din ng kaparehong reklamo dahil sa hinala na sila ay nagsabwatan sina Rolan “Kerwin” Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro at Lovely Impal.

Itinakda naman ng piskalya ang unang araw ng preliminary investigation sa August 14, 2017, ganap na alas diyes ng umaga.

Sina Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes at John Michael Humarang ang mga piskal na hahawak sa reklamo at tutukoy kung may probable cause para ihain ang kaso sa hukuman.

Una rito ay nag-isyu si Justice Secretary Vitaliano Aguirre ng immigration lookout bulletin order laban sa mga nasabing personalidad.

Read more...