Chinese businessman idiniin sa Senado sa P6.4 Billion drug deal

Video grab: Senate

Ibinunyag ng isang saksi sa Senado na pag-aari ng isang nagngangalang Richard Tan ang P6.4 Billion na halaga ng shabu na naipuslit mula sa Bureau of Customs at naideliver sa ilang bodega sa Valenzuela City.

Sinabi ng saksi na si Mark Taguba na si Tan ang ang may-ari ng Hongfei na isang kumpanya na nasa likod ng shipments ng ilang mga kalakal mula sa China.

Sa Pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay idinetalye ni Taguba kung paanong dumadaan sa kumpanya ang mga na-import na produkto mula sa China sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigang broker.

Sinabi pa ng saksi na alam ni Tan kung saan galing ang mga metal cylinders na naglalaman ng mga droga at alam din umano ng negosyante kung saan dadalhin ang mag ito.

Ang nasabing mga cylinders ay bahagi ng ilang mga printing machines na pumasok sa bansa kasama ang nasabing mga illegal drugs.

Ginagamit din umanong middleman ni Tan si Kenneth Dong na may kasangkot rinna ilang Manila-based consignee na pagdarananan ng mga shipments para iligaw ang mga otoridad.

Magugunita na noong nakalipas na buwan ng Mayo ay natuton ng mga otoridad ang nasabing mga droga sa dalawang bodega sa Brgy. Paso de Blas at Brgy. Ugong.

Sa imbestigasyon ng Senado kanina, inamin ni Bureau of Customs Comm. Nicanor Faeldon na si Tan nga ang kasama niya sa litrato.

Nakilala umano niya si Tan nang ni-raid nila ang abogado nito na noong una ay nagpakilala lamang bilang isang interpreter.

Sinabi naman ni Customs Intelligence Chief Neil Estrella na walang masama sa nasabing larawan dahil ni-request rin ito ng mga kasamahan nila sa raid na Chinese Anti-Illegal Drug operatives para ipakitang nasa maayos na kalagayan ang mga Chinese na hinuli sa raid.

Read more...