Kaso vs. Echeverri dahil sa drainage scam tuloy ayon sa Sandiganbayan

Photo: Radyo Inquirer

Ibinasura ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang inihaing Motion to Quash Information at Supplemental Motion to Quash nina dating Caloocan Mayor Enrico Echeverri at dalawa pang dating opisyal ng Caloocan City.

Base sa 15-pahinang desisyon ng anti-graft court, hindi pinagbigyan ang mosyon dahil sa kawalan ng merito.

Sinabi ng korte na ang motion to quash information ay inihahain kung ang reklamo na nakasaad ay hindi nagco-constitute ng krimen gayundin kung hindi sapat ang facts na nakalagay sa information.

Sa kaso nina Echiverri, sinabi ng anti-graft court na kumpleto naman ang kailangang facts sa information bukod pa sa ang reklamo laban sa mga ito ay nagconstitute ng krimen.

Ang dating alkalde ng Caloocan City at ang kanyang mga kapwa akusado na sina Edna Centeno at Jesusa Garcia ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 3019 o Graft and Corrupt Practices Act may kaugnayan sa maanomalyang P1.96 Million drainage project.

Nauna nang sinabi ng kampo ni Echeverri na walang katotohanan ang nasabing mga akusasyon laban sa kanila.

Read more...