Alas 7:00 ng umaga ng Lunes, sinabi ng PAGASA na ang bagyo ay nasa layong 750 kilometers North Northwest sa Basco, Batanes at nasa bahagi na ng Taiwan.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras,
North Northwest ang kilos ng bagyo sa bilis na 24 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, wala na itong direktang epekto sa bansa, pero pinalalakas pa rin nito ang Habagat.
Samantala, ang bagyong Noru, na base sa weather forecast ng Japan ay isa nang Super Typhoon ay maliit naman ang tsansa na pumasok sa bansa.
Sa huling pagtaya ng PAGASA, nasa severe tropical storm category ang bagyong Noru na taglay ang lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 210 kilometers bawat oras.
Huli itong namataan sa 1,975 kilometers east ng Basco, Batanes.