Lalaking nanonood ng basketball, patay sa pananambang sa Parola Compound, Tondo, Maynila

Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos tambangan sa Area B, Gate 13, Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Richard Bunayon, 35-anyos, na nanonood lamang ng mga nagba-basketball nang tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa kaanak ng biktima, wala umano siyang alam na kaaway ng kanyang pinsan, pero aminado siyang kalalaya lamang ni Bunayon dahil sa kasong droga.

Dalawang tama ng bala sa mukha at braso ang tinamo ng biktima na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Manila Police District sa naturang insidente ng pamamaril.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...