Tropical Storm Huaning papalabas na ng bansa

Papalabas na ng bansa ang tropical storm Huaning na may international name na Haitang.

Huling namataan ang bagyo sa layong 525 kilometers North northwest ng Basco Batanes.

Ayon sa PAGASA, humina ang bagyo at taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong north northwest sa bilis na 24 kilometers bawat oras.

Inalis na rin ng PAGASA ang public storm warning signal na naunang itinaas sa Batanes.

Maliban sa nasabing bagyo, apektado pa ng Habagat ang western section ng Northern at Central Luzon.

Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Isolated rainshowers o thunderstorm naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...