Dating hepe ng Albuera police, nanguna sa Parojinog raid

 

Ang dating hepe ng Albuera police na si Chief Inspector Jovie Espenido ang nanguna sa operasyon na paghahain sana ng anim na search warrant sa compound na pag-aari ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog na ikinasawi nito at labing-apat pang iba.

Si Espenido ang matatandaang hepe noon ng Albuera police nang mapatay sa loob ng kulungan si Albuera, Leyte mayor Rolando Espinosa ng tropa ng CIDG Region-8 sa pangunguna ni Supt. Marvin Marcos noong Nobyembre.

Sa kanya sumuko si Espinosa dahil sa pangamba sa kanyang buhay nang idawit ito sa iligal na droga.

Nasuspinde rin noon si Espenido nang akusahan nito si Mayor Richard Gomez ng Ormoc City na sa sangkot sa iligal na droga ngunit binawi ito ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Samantala, iginiit naman ni Police Regional Office 10 director Chief Superintendent Timoteo Pacleb na lehitimo ang operasyon laban sa mga Parojinog.

Read more...