Mahigit isang libong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang apoy sa isang isla sa Isabela City, Basilan, umaga ng Linggo.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), tinupok ng sunog ang tinatayang 200 kabahayan sa bahagi ng Barangay Diki, Malamawi Island pasado alas diyes ng umaga.
Ayon kay Basilan Fire Marshal Jasmine Tanog, nagsimula ang sunog sa isa sa mga bahay at mabilis itong kumalat.
Nahirapan naman ang BFP at Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-apula ng sunog dahil walang fire truck ang naturang lugar.
Matapos ang 2 oras, idineklara na ring under control ang sunog.
Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog.
WATCH: Nangyaring sunog sa bahagi ng Barangay Diki, Malamawi Island sa Isabela City, Basilan | Video by: Ronda del Basilan FB page pic.twitter.com/dMuuhYJuQM
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) July 30, 2017