Sa isang pahayag, sinabi ng Malakanyang na patuloy na makikipag-ugnayan ang pamahalaan sa US para sa pagbabalik ng Balanginga bells na bahagi ng ating national heritage.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na mahalaga sa mga Pilipino ang Balanginga Bells.
Ayon sa pangulo, kinuha ng mga Amerikanong sundalo ang mga kampana bilang war trophy matapos nilang patayin ang lahat ng lalaking residente ng bayan ng Balanggiga kaya tinaguriang Balangiga massacre noong 1901.
Sa ngayon, dalawa sa Balinga bells ay naka-display sa F.E. Warren US Air Force base sa Wyoming, habang ang pangatlo ay nasa Camp red cloud ng US military sa South Korea.