Ito ay ayon sa kaniyang anak na si Janine Patricia “Tricia” Robredo nang tanungin siya ng Inquirer tungkol sa desisyon ng kaniyang ina tungkol sa posibleng pagtakbo bilang Pangalawang Pangulo sa susunod na taon.
Ani Tricia, wala namang dapat padesisyunan dahil wala pa rin namang pormal na alok sa kaniyang ina ang LP o si Roxas.
Gayunpaman, sinabi ni Tricia na susuportahan nilang magkakapatid ang kampanya ni Roxas dahil ito ay matalik na kaibigan ng kanilang pumanaw na ama, pero ibang usapan na aniya ang pagpayag na patakbuhin ang kanilang ina sa mas mataas na posisyon sa susunod na halalan.
Naninindigan pa rin ang magkakapatid na Robredo sa kanilang hindi pagpayag na tumakbo bilang bise presidente ang kanilang ina na si Leni.