Nakapasok na ang Bagyong “Huaning” sa Philippine Area of Responsibility
Ayon sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo na may international name na “Haitang” sa layong 250 kilometro sa Kanlurang bahagi ng Basco, Batanes kaninang alas diyes ng umaga.
May lakas ito na 75 kph at pagbugso na 90 kph habang kumikilos patungong Hilagang Silangan sa bilis na 22 kph.
Inaasahan namang magdudulot ito ng bahagya hanggang sa mabigat na buhos ng ulan sa Kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon habang pinapalakas ang Southwest Monsoon.
Sa ngayon, itinaas na sa Signal #1 ang ilang lugar sa Luzon kabilang ang:
- Batanes
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- Apayao
- Abra, at
- Northwestern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
Binalaan ang mga residente sa posibleng flashflloods at landslides at na delikadong pagpapalaot.
Samantala, inaasahan namang mag-landfall si “Huaning” sa Timog bahagi ng Taiwan mamayang gabi.