Pamilya na umano’y may kaugnayan sa Bilibid Drug Lord na si Colangco, ni-raid ang bahay; 12 katao patay – PNP

Hindi bababa sa 12 katao ang patay sa sa isinagawang drug raid ng Philippine National Police (PNP) sa San Roque Lawis, Ozamis City.

Kabilang sa mga nasawi ang mayor ng lungsod na si Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.

Ayon kay Timoteo Pacleb, Northern Minanao Police Chief, maghahain lang sana ng search warrant ang PNP sa tahanan ng mayor at iba pang miyembro ng pamilya Parojinag nang biglang nagkaroon ng patukan pasado 2:30 ng umaga.

Una raw na nagpaputok ang kampo ni Parojinag dahilan para gumanti ng putok ang mga tauhan ng PNP.

Ayon pa kay Pacleb, patay din ang asawa ni Mayor Parojinog na si Susan at si Misamis Occidental Board Member Octavio Parojinog Jr.

Patuloy naman na inaalam ang pagkakakilanlan ng 9 na iba pang patay.

Samantala, ang anak ni Mayor Reynaldo na si Vice Mayor Nova Parojinog Echaves ay arestado naman at kasalukuyang nakaditene sa provincial office ng CIDG.

Nabatid na may koneksyon umano ang pamilya Parojinog sa mga local officials na miyembro ng isang malaking sindikato ng droga sa bansa.

Una na ring tinanggi rin ni Parojinog Sr. na wala silang ugnayan ng drug lord na si Herbert “Ampang” Colangco na sinasabing karelasyon ng kanyang anak na si Nova Princess.

Nasamsam naman sa naturang drug raid ang ilang high powered firearms at shabu.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng SOCO sa pangyayari.

Read more...