Vice mayor ng Ozamis City, arestado sa drug raid ng PNP

Arestado ang vice mayor ng Ozamis City na si Nova Parojinog Echaves sa ikinasang drug raid ng Philippine National Police (PNP).

Naaresto si Echaves makaraan ang madugong raid sa San Roque Lawis na nagresulta sa pagkasawi ng 4 na miyembro ng Barangay Peace Action Teams (BPAT) .

Kinilala ang mga namatay na sina Miguel del Victoria, Nestor Cabalan, Daniel D. Vasquez at isa pang ‘di tukoy na BPAT.

Nakumpiska naman ng mga tauhan ng PNP ang ilang firearms at shabu sa lugar kung saan nadakip ang vice mayor.

Si Echaves ay napabalitang may koneksyon sa Bilibid drug Lord na si Herbert Colangco.

Samantala, maliban kay Echaves, hinalughog din ng mga otoridad ang tahanan ng Mayor ng Ozamis na si Reynaldo Parojinog at kanyang anak na si ‘Dodo’.

Nakumpiska naman sa bahay ng mayor ang ilang M79 riffles, pera na ‘di pa alam ang bilang at shabu.

Sa ngayon, nakaditene sa provincial office ng CIDG si Echaves.

Read more...