Ito ay matapos umatake ang komunistang grupo na ikinamatay ng 6 na pulis at isang sibilyan sa Guihulgan City, Negors Oriental.
Ayon kay 3rd Infantry Division commander Maj. Gen. Jon Aying, sinabi ng Punong Ehekutibo na tutukan ang NPA oras na matapos ang kaguluhan sa Marawi City.
Aniya pa, inaasahang pababalikin sa Negros ang isang batalyon ng 3rd Infantry Division sa loob ng isang buwan para ipagpatuloy ang laban kontra sa mga rebelde.
Samantala, nag-abot si Duterte ng pagkilala at P100,000 cash assistance sa mga naiwang pamilya ng mga napatay na pulis sa naturang engkwentro.
Binigyan naman ng pangulo ang mga sugatang pulis ng bagong handgun, cellphone at medalya.