Dagdag presyo sa petrolyo kasado na sa susunod na linggo

Inquirer file photo

Nakamba na naman ang panibagong oil price increase sa papasok na linggo ayon sa ulat ng Department of Energy.

Sa kanilang inilabas na consumer advisory, aabot sa P0.50 per liter ang dagdag sa presyo ng diesel, nasa P0.35 naman sa bawat litro ng gasolina samantalang P0.25 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Sinabi ng DOE na malaki ang naging bahagi ng international oil trading sa panibagong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Noong nakaraang Martes at nagpatupad rin ng price increase ang mga oil companies para sa kanilang diesel, gasolina at gaas.

Read more...