Ayon sa Pagasa, namataan ang nasabing bagyo na may international name na “Haitang” kaninang 4:00 ng hapon sa layong 370 kilometro sa Kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
May tsansa na pumasok ito sa North-Western boundary ng PAR bukas ng gabi.
Oras na pumasok sa PAR, ito ay tatawagin nang bagyong “Huaning”.
Pag-iibayuhin din ng bagong bagyo ang Habagat pero maaapektuhan lamang nito ay ang North at Central Luzon at hindi inaasahang makaka-apekto sa Metro Manila kaya makakaranas ito ng magandang panahon sa susunod na mga araw.
Samantala, nananatili ang signal number 1 sa Batanes goup of islands dahil sa bagyong Gorio.
Ang bagyong Gorio ay namataan ay huling namataan 360 kilometro sa Hilaga ng Basco, Batanes.
Napanatili nito ang kanyang lakas na 145 kilometers at pagbugso na 180 kilometers per hour at kasalukuyang kumikilos patungong Hilagang Kanluran sa bilis na 19kph.
Inaasahan itong lalabas ng PAR bukas ng umaga.
Sa kabila nito, nananatili ang kanilang gale warning kaya bawal pa rin ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa seaboard ng Northern Luzon at Western seaboard ng Central at Southern Luzon.