2 hanggang 4 na bagyo, inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan ng Setyembre

Dalawa hanggang apat na bagyo ang papasok sa bansa ngayong buwan ng Setyembre ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.

Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang pag ulan ngayong araw ng Martes, na may kalat kalat na pagkulog at pagkidlat, at makakaapekto sa probinsya ng Isabela, Quirino, Rizal, at Quezon, maging sa Central Luzon, at Bicol region.

Namataan ang LPA sa layong 399 kilometro, silangan-timog silangan ng Baler Aurora.

Maulap na may kalat kalat na pag ulan, pagkulog, at pagkidlat naman ang mararanasan sa Metro Manila, at sa natitirang bahagi ng bansa.

Sinabi naman ng PAGASA na uunti ang pag ulan, kasama ang paghina ng habagat ang inaasahan sa dulo ng Setymebre hanggang sa unang bahagi ng Oktubre.

Dagdag pa ng PAGASA, patuloy na lalakas ang El Niño sa dulong bahagi ng Setyembre.

Katamtamang temperatura ang inaasahan sa mababang bahagi ng Luzon pagdating ng Oktubre, habang unti unting iinit sa mababang lugar sa Visayas at Mabubundok na rehiyon ng Mindanao.

Mas malamig naman ng bahagya ang temperaturang mararanasan sa mabundok na bahagi ng Luzon.

Mula Nobyembre, hanggang Enero naman, magsisimula na ang mainit na panahon sa buong bansa.

Unti-unti nang mababawasan ang bilang ng pag ulan mula Setyembre ngayong taon, hanggang Pebrero 2016 sa buong bansa.

Inaasahan naman ang matinding tag-tuyot ayon sa PAGASA.

Read more...