Kinilala ang suspek na si Monsignor Arnel Fuentes Lagerojos na nagseserbisyo sa nasabing lungsod at sa lalawigan ng Riza.
Ayon sa imbestigasyon ng Eastern Police District, ibinugaw ng isa pang menor-de-edad ang 13-taong gulang na dalagita kay Legarejos gamit ang social media.
Nakatakdang makipagkita si Legarejos sa dalawang menor-de-edad sa Blue Wave Mall sa Sumulong Hi-way, Barangay Sto. Niño sa Marikina.
Ngunit nalaman ng ina ng dalagita ang tungkol dito at isinumbong ito sa mga otoridad.
Dito na isinagawa ang plano at ang entrapment operation.
Aktong papasok na si Lagarejos sa isang motel kasama ang nasabing bata nang lapitan ito ng pulisya.
Nagtangka pang bumunot ng baril ang pari ngunit napigilan ito ng mga pulis.
Paglabag sa Anti Child Abuse Law at Anti Trafficking in Persons Act ang isasampang kaso kay Lagarejos, habang ibibigay sa kustodiya ng DSWD ang dalawang menor-de -edad.
Dagdag pa ng pulisya, ang bugaw at ang sindikatong nasa likod ng prostitusyon sa pamamagitan ng social media ang pangunahing target sa nasabing entrapment operation.