Pinuno ng CHR hindi magre-resign sa pwesto

Inquirer file photo

Nanindigan si Commission on Human Rights (CHR) Chairman Chito Gascon na hindi siya magbibitiw sa kanyang posisyon sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa kanya ng mga kaalyado ng administrasyong Duterte.

Sinabi ng opisyal na mayroon siyang mandato sa ating Saligang Batas na kailanman ay hindi niya aabandonahin.

“I will, to the best of my ability, perform my lawful mandate as head of an independent non-partisan constitutional office given the duty to protect and promote human rights in this country,” ayon kay Gascon.

Sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto na niyang ipa-abolish ang CHR dahil sa pagkampi nito sa mga kriminal at mga kalaban ng estado.

Sinegundahan naman ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo ang nasabing pahayag ng pangulo.

Sinabi ni Gascon na dapat ay tumutok na lamang sa kanyang trabaho si Panelo sa pamamagitan ng pagbibigay ng matinong mga payo sa pangulo.

Muling rin inulit ni Gascon na hindi sila biased sa mga kritiko ng pamahalaan bagkus ay ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin sa ilalim ng batas.

Read more...