Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang kakausapin ang mga kaalyadong mambabatas sa Senado at Kamara para madaliin na ang pagsasabatas ng Nationa I.D System.
Kasabay nito ay kanyang nilinaw na walang dapat ikatakot ang publiko sa national I.D system dahil mas makakatulong ito lalo na sa mga transaksyon sa gobyerno.
Ayon pa kay Duterte, tanging mga kalaban ng estado tulad ng mga terorista at komunista ang takot sa nasabing sistema sa bansa.
Muli ring binalaan ng pangulo ang mga teroristang grupo at New People’s Army na itigil na ang kanilang mga extortion activities dahil hindi sila titigilan ng mga tropa ng pamahalaan.
Inalerto rin ng pangulo ang mga militar at sundalo na maging handa sa mga inaasahang pag-atake ng mga rebelde kasabay ng muling pagbasura sa nasimulang peace talk.