Kaugnay nito, inilagay na ng PAGASA sa Tropical Storm Signal No. 2 ang lalawigan ng Batanes habang Signal no. 1 naman ang Babuyan Group of Islands.
Ang Batanes ay makakaranas ng 61 hanggang 120 kph na lakas ng hangin at masungit na panahon.
Ang Babuyan naman ay makakaranas ng pag-ulan at malakas na hangin na 40 hanggang 60kph.
Sa monitoring ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan 320 kilometro sa Silangan ng Basco, Batanes.
Inaasahang gagalaw ang bagyo Hilagang-Kanluran papunta sa direksyon ng Taiwan sa bilis na 15 kph.
Base sa kasalukuyan nitong paggalaw, hindi na inaasahang magla-landfall ang sentro ng bagyo na tinataya namang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo kaya asahan na ang pagganda ng panahon.
Patuloy na makakaranas ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat ang Metro Manila, Calabarzon, Cordillera, Ilocos, Central Luzon at Mimaropa habang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas ng maulap at panaka-nakang pag-ulan.
Pinagbawalan din ng PAGASA ang mga maliliit na sasakyang pandagat na maglayag sa seaboard ng Northern at Central Luzon dahil sa inaasahang malakas na pag-alon.