Pagsama ng Heneral sa laban, pampataas ng moral ng mga sundalo

Malaking tulong na pampataas ng moral sa mga kasamahang sundalo ang presensya ng ground commander.

Hindi aakalain na sa edad na 56 at dalawang buwan bago magretiro sa serbisyo ay makikipagbakbakan pa sa giyera laban sa Maute terrorist group sa Marawi city si Brigadier General Alexander Macario, ang siyang commander ng Light Reaction Regiment Command ng Armed Forces of the Philippines

Ayon kay Macario ay mga pagkakataon aniya na nagkakabiruan na lamang silang mga sundalo sa kasagsagan ng giyera.

Isa si General Macario sa mga nakapaglitas sa kanyang mga tauhan na nasugatan sa bakbakan.

Sa gitna ng mga biruan, aminado si Macario na hindi madaling kalaban ang mga Maute.

Sa tatlumput dalawang taon na pakikipagbakbakan sa mga kalaban ng estado, aminado si Gen. Macario na kakaiba ang sitwasyon sa Marawi.

Pero bagamat sanay na sa pakikipag-giyera si Macario ay may isang bagay pa rin ang nakakapagpakaba sa kanya ang humarap sa camera.

 

Read more...