3 pang sundalo, nasawi sa giyera sa Marawi

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na giyera sa Marawi City.

Ayon kay Capt. Jo Ann Petinglay, tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi nasa 114 na ang nalalagas sa hanay ng militar

Ibig sabihin tatlong sundalo ang nagbuwis ng buhay kahapon.

Ayon kay Petinglay, improvised explosive device ang nakadale sa tatlong sundalo

Nasa 469 naman sa mga terorista ang nasawi.

Nanatili naman sa 45 ang bilang ng mga sibilyan na pinatay ng mga terorista.

 

Read more...