Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, nakahanda na ang 30 milyong pisong pondo para sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD para bigyan ng trabaho ang mga residente.
Sa ilalim ng programang TUPAD, magkakaroon ng sahod na 338 pesos kada araw ang manggawa sa loob ng 30 araw.
Ipinahayag ni Bello na dinala ng DOLE ang ayuda sa mga lugar kung saan lumikas ang mga residente dahil sa ngayon, hindi pa makakapagtrabaho sa Marawi ang mga ito.
Ang mga manggagawa sa ilalim ng TUPAD ay magtatrabaho para sa social community at agro-forestry projects.
Inaasahang halos 3,000 bakwit ang makikinabang sa programa.