Dahil sa ilang araw na pag-uulan tumaas na ang antas ng tubig sa anim sa siyam na dam sa Luzon na binabantayan ng PAGASA.
Sa kalalabas na datos mula sa PAGASA Hydro Meteorology Division, tanging ang Binga Dam sa Agno River sa Itogon, Benguet, Magat Dam sa Ifugao at Caliraya Sam sa Laguna ang nakapagtala pa ng konting pagbaba ng water level na 0.08, 0.06 at 0.03 meters.
Samantala sa anim iba pang dam ang Angat, Ipo, La Mesa, Ambuklao, San Roque at Pantabangan ay tumaas na ang water level.
Sa La Mesa dam na narito sa Quezon City ay malapit nang maabot ang normal high water level nito na 80.15 meters at sa ngayon ang antas ng tubig nito ay nasa 77.81 meters.
Ang Ipo Dam naman na nasa Bulacan ay kailangan na lang ng dagdag na 0.25 meters para abutin ang spilling level nito na 101.25 meters.
Kapag umabot na sa normal high o spilling level ay kailangan nang magpakawala ng tubig ng mga dam sa pamamagitan ng pagbubukas ng gate.