Mga styro, plastic, sapatos, tsinelas at kawayan ang karamihan sa mga basura na pinipilit ngayong kolektahin ng mga tauhan ng Manila City Hall.
Posible anilang galing ang mga ito sa lalawigan ng Cavite at pinadpad sa Roxas Blvd. dahil sa malalaking alon na dala ng Bagyong Gorio at hanging habagat.
Kahapon, nakakolekta ng dalawang truck ng basura ang mga taga Manila City Hall.
Bukod sa mga tauhan ng gobyerno may mga ilang residente rin ang pilit na isinasalba ang mga maari pang pakinabangan mula sa mga inanod na basura.
MOST READ
LATEST STORIES