Konsehal sa isang bayan na talamak ang droga sa Maguindanao, patay sa pamamaril

 

Patay ang isang konsehal sa Maguindanao matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Senior Supt. Agustin Tello, minamaneho ni Talitay councilor Guialulson Guimel Angan ang kaniyang motorsiklo sa national highway ng Datu Odin Sinsuat.

Ani Tello, bigla na lang pinagbabaril ng dalawang lalaking nakasakay sa dalawang magkahiwalay na motorsiklo si Angan.

Agad na tumakas ang mga suspek patungo sa bayan ng Talitay, habang nasawi naman agad si Angan dahil sa dami ng tama ng bala na natamo ng kaniyang katawan.

Nakuha ng mga otoridad sa crime scene ang anim na basyo ng cal. .45 na baril.

Ayon kay Tello, kabilang sa mga posibleng motibo sa pagpatay ay matagal nang galit, iligal na droga o politika, pero iniimbestigahan pa rin nila ito.

Ang bayan ng Talitay ay isa sa mga tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na mga lugar kung saan talamak ang kalakalan ng iligal na droga.

Read more...