Titulong ‘World’s Richest Person’ naagaw ni Jeff Bezos kay Bill Gates

 

Sa ngayon, hindi na ang Microsoft co-founder na si Bill Gates ang pinakamayamang tao sa buong mundo.

Ito’ dahil mas naagaw ng Amazon founder at CEO na si Jeff Bezos ang titulong World’s Richest Person mula kay Gates batay sa pinakahuling pagtala ng Forbes Magazine at Bloomberg.

Sa pinakahuling ulat, umabot na sa 90.9 bilyong dolyar ang kayamanan ni Bezos kumpara sa 90.7 bilyong dolyar ni Gates.

Kung magpapatuloy ang mataas na trading ng stocks ng Amazon, opisyal nang maaagaw ni Bezos ang Number 1 spot sa listahan ng Bloomberg Billionaires Index mula kay Gates na itinuturing na pinakamayamang tao sa mundo simula pa noong 2013.

Gayunman, maari pa ring maagaw muli ni Bill Gates ang naturang puwesto kung bababa ang presyo ng stocks ng Amazon o tumaas ang presyo ng stocks ng Microsoft.

Si Bezos ang itinuturing na genius sa likod ng electronic commerce at cloud computing company na Amazon.com.

Sinimulan ni Bezos ang kanyang kumpanya sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga libro mula sa kanyang garahe sa pamamagitan ng internet may dalawang dekada na ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan, may market-value na ang Amazon na aabot sa 500 bilyong dolyar.

Read more...