Mga eskwelahan ng lumad at hindi mga estudyante ang bobombahin-Duterte

 

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang naging pahayag na nais niyang wasakin ang mga paaralan ng mga Lumad.

Ayon kay Duterte, nais lang niyang wasakin ang mga mismong istruktura ng mga naturang paaralan, pero hindi niya nais ilagay sa kapahamakan ang mga bata.

Paglilinaw pa ng pangulo, wala siyang balak bombahin ang mga paaralan nang may mga tao, kaya niya sinasabihan ang mga taong malalapit doon na magsi-alisan na.

Giit pa ni Duterte, gusto niya itong gawin dahil ginagamit ang mga paaralan nang walang lisensya mula sa Department of Education (DepEd).

Paliwanag niya, bago magtayo ng paaralan, kailangan muna ng pamunuan nito na kumuha ng mga karampatang lisensya mula sa pamahalaan.

Aniya pa, hindi naman niya sinabing papatayin niya ang mga bata, bagkus ay ilalayo niya pa ang mga ito mula sa mga maling pangangaral.

Noong Lunes pagkatapos ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) unang sinabi ng pangulo ang plano na ito.

Aniya kasi, pinamumugaran ng ideolohiya ng mga komunista ang mga paaralan ng mga Lumad.

Read more...