Ayon sa Bureau of Fire Protection, sunud-sunod na ang insidente ng sunog sa Marawi.
Ipinagtataka ng mga bakwit kung paano nagkakaroon ng sunog sa mga ‘controlled area’ gayung tanging ang mga sundalo lamang ang nasa lugar.
Paliwanag naman ni Captain Jo Ann Petinglay tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi, stray bullet ang pangunahing sanhi ng sunog.
Aminado ang bfp na hindi madali para sa kanila ang pag-responde sa sunog.
Bukod kasi sa patuloy na giyera sa pagitan ng teroristang Maute group at militar, may mga pagkakataon na nahaharang pa ang kanilang mga bumbero sa mga itinayong checkpoint ng militar.
Dahil sa mga insidenteng ito, hindi maiwasan ng mga residente na magpumilit na makabalik ng Marawi masilayan lamang ang kanilang mga iniwang tahanan.