Pero giit ni De Lima, hindi dapat na sina Chief PNP Ronald Bato dela Rosa at DOJ Undersecretary Reynante Orceo lamang ang usigin ng senado dahil sumunod lamang ang mga ito sa sa ilegal na kautusan.
Malinaw na utos umano mula kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ibalik sa serbisyo sina Supt. Marvin Marcos na posible pang ma-promote pa sa pwesto ayon na rin sa pag-amin ni Dela Rosa.
Giit ng senadora, dapat si Pangulong Duterte ang madiin dahil ang pangulo ang nag-utos kung kaya naibaba ang murder to homicide at naibalik sa serbisyo si Marcos.
Isinalang na sa imbestigasyon ng senado ang reinstatement ni Marcos at kasamahan nito kahapon na dinaluhan din ng mga opisyal mula sa National Prosecution Service at NBI Director Dante Gueran na tulad ng mga senador ay nanindigan sa naunang findings na murder dapat ang kaso nina Marcos.