Postponement ng Brgy. at SK elections malabo pa ayon sa Kamara

Hindi pa tiyak kung ipagpapaliban ang SK at Barangay Elections na nakatakda sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi pa kasi nakakabuo ng consensus ang Senado at Kamara para sa pagpapaliban dito.

Sa bahagi ng Kamara, marami anya ang pabor sa pagpapaliban ng halalan at magtalaga na lamang ang pangulo ng mga officer-in-charge (OICs) sa mga mababakanteng posisyon.

Gayunman, taliwas anya ito sa Senado dahil hindi napapagkasunduan doon ang usapin ng hold over capacity ng mga incumbent Barangay officials at kung papayagan ang pagtatalaga ng mga OICs.

Ilang panukalang batas na rin para sa postponement ng Barangay at SK elections ang nakahain sa Kamara pero hindi pa rin ang mga ito makalusot sa komite.

Nakatakda ang SK at Batangay Elections sa Oktubre pero nais ng Pangulong Duterte na ipagpaliban ito at magtalaga na lamang mga OIC upang malinis ang narco- politicians sa Barangay level.

Read more...