Ito ay kasunod na rin ng pagpupulong ng ahensya sa Uber at Grab kahapon.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, dapat magpasa sa kanila ang mga TNC ng masterlist na nakabase sa template na binigay nila hanggang bukas araw ng Biyernes, Hulyo 28.
Paliwanag ng opisyal, posible raw kasing naghalo na ang listahan ng driver ng uber at grab at kailangan daw nila itong i-cross check.
Layun din daw nito na malaman ang totoong bilang ng Uber at Grab vehicles para makapagbigay serbisyo sa publiko.
Samantala, una ng sinabi ni Lizada na kumakatawan lamang umano sa pinakamaliit na porsyento ng mga pasahero ang mga tumatangkilik sa Grab at Uber pero sila ang pinakamaingay sa social media.
Batay sa rekord ng LTFRB noong 2015, nasa dalawang porsyento lang ng kabuuang 21.5 milyong biyahe kada araw ng mga pampublikong sasakyan ang nagagawa ng Grab at Uber o katumbas ng 300,000 biyahe kada araw.