Water level sa Tullahan river mabilis ang pagtaas; preemptive evacuation ipinatupad na

Mabilis ang pagtaas ng water level sa Tullahan River dahilan para magpatupad na ng preemptive evacuation sa ilang residenteng naninirahan sa palibot nito.

Sa abiso ng Valenzuela City government sa kanilang Facebook page, agad silang nagdeply ng kanilang rescue personnel para asistihan ang mga residente sa A. Fernando Street.

Ang mga residente ay pansamantalang dinala sa Valenzuela National High School.

Pinapayuhan ng pamahalaang lungsod ang mga residente sa mabababang lugar na maging handa at makipagtulungan sa team na magsasagawa ng preemptive evacuation.

Read more...